Press "Enter" to skip to content

ICI Iligan Nagkaisa sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika

ni Dina Aser

“Mahalin at tangkilikin ang sariling wika dahil ito ay sariling atin, wala itong katulad lalo na ang mga bansang maunlad.”

Nakasanayan na nating mga Pilipino na sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto ay may ipinagdidiriwang tayo. Ang Pambansang Wika ng Pilipinas. Pilipinas! Ang tahanan at bayan ng mga taong likas.

Noong nakaraang Agosto 1, 2018, ipinagdiwang ang pambungad na pagsalubong ng Buwan ng Wika ng Iligan Computer Institute (ICI) sa City Public Plaza sa tema na “Filipino: Wika ng Saliksik”. Pinangunahan ito ni Ginoong Nabil Laguindab, ang punong-guro ng Senior High School kasama ng kanyang mga Maginoo at Binibini na mga guro, soot ang mga magagara at katutubong kasuotan.

Lahat ng mga mag-aaral ay nagkaisa, lalo na sa paglabas ng mga kwalipikadong Maginoo at Binibining kandidatang Ginoo at Binibining Wika 2018. Ang mga mag-aaral ay todo suporta sa kanilang mga kandidata sa patimpalak na ito. Nagkaroon din ng mga patimpalak ng paghahanda o pagluto ng mga kakanin, na pinangunahan ng baitang na Grade 11.

“Nagkaisa ang bawat isa, dahil sa wika, kaya ito’y ipagdiwang at igalang.” Naging maayos at matiwasay ang Pangbungad ng Buwan ng Wika 2018, dahil sa koordinasyon ng mga Filipino Club Officers at mga mag-aaral, at sa pangunguna ni Ginang Gianne O. Paras at Binibining Sunday Mae Caingin, ang mga Filipino Club Adviser kasama ng iba pang guro.

Kung merong pagsisimula meron ring pagtatapos. Pagtatapos na makabuluhan at may masayang maibaon sa pag-uwi, mga ngiting makikita sa mukha.

Noong nakaraang Setyembre 4, 2018, ipinagdiriwang ng ICI ang Kulminasyon ng Buwan ng Wika na pinangunhan ni Ginoong Nabil Laguindab, punong-guro ng SHS ng ICI kasama ang kanyang maginoo at magagandang kapwa guro. Naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa iba’t ibang patimpalak ang ginanap, kagaya ng katutubong sayaw, sayawit, at Sabayan sa Pagbigkas na hinuraduhan ng tatlong magagaling at magaganda, sina Binibining Daian Carmel Gerasta, Binibining Diamon Diso at Ginoong Jan Illustre na dating mag-aaral ng ICI.

Ang mga nanalo sa iba’t-ibang patimpalak ay ang mga sumusunod:

Katutubong Sayaw       Grade 11 EIM 1        1st place

                                    Grade 11 PN 3          2nd place

                                   Grade 11 HRM 2       3rd place

Sayawit                        Grade 11 OM 1         1st place

                                    Grade 11 IT 6            2nd place

                                   Grade 11 CA 3           3rd place

Sabayang Pagbigkas     Grade 11 AT1            1st place

                                    Grade 11 OM 2          2nd place

                                   Grade 11 IT 2            3rd place

Slogan                         Norjana Pacasum       1st place

                                   Grade 11 AT1

                                   Jeliza M. Tubias         2nd place

                                    Grade 11- PN2

                                   Lheslie Jane S. Alivio  3rd place

                                    Grade 11- AT2

Spoken Poetry              Robert James Legaspi  1st place

                                    Grade 11- CE1

                                   Lalaine Montecillo        2nd place

                                    Grade 11- AT2

                                    Mae Ann Raterta         3rd place   

                                     Grade 11- IT3

Lahat ng nanalo ay may malaking ngiti na naipinta sa kanilang mga mukha. Naging matagumpay at memorable ang Kulminasyon ng Buwan ng Wika dahil sa kooperasyon ng bawat estudyante ng ICI, lalong-lalo na kina Ginang Gianne Paras at Binibining Sunday Caingin dahil sila ang naghanda sa pagdiriwang kasama ang kanyang mga opisyal sa Filipino Club. Ang sariling wika ay kailangan ipinagmalaki at ipinagdiriwang dahil isa ito sa sumasailalim bilang isang matatag na Pilipino.

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *